masasabi kong matagal na rin akong member dito. akalain mong dito sa blog nilalathala mo ang mga saloobin, creativity, at marami pang iba. maaaring walang nakakakilala sa'yo dito meron man o kaya may ilan ilan lang. kaya feel free ka lang magpost nang entry. siguro its about time that i'll talk about my personal life.. ika nga dissecting the life of rachelle.
i was born year 1988. an only child. to a broken family. i live with my mother and relatives. i NEVER seen my father since the day i think i had my 2nd birthday. and until then, i live to that truth that he will never EVER go back. let me say that i'm not a spoiled- brat as what most people would say being the only child. i have what i needed - able to get through with life, got to school etc. walang kaso dun. emotional, iyakin at maliit yan ako. but there's this thing or something that is lacking siguro an emptiness within me.. sa pagkatao ko. lumaki ako sa manila, after first year high school lumipat kami sa baguio at bumalik din sa manila matapos ang halos limang taon na pamamalagi doon.
wala akong maipagmamalaki sa sarili ko. hindi naman ako achiever hindi rin ako matalino. isa akong typical na tamad. madalas akong icompare sa ina ko dahil mataas nga naman ang achievement nito. isang topnotcher sa board at alumni sa unibersidad na nininais sinuman. nangarap akong mapantayan ang mga yun o kaya mahigitan man lang. pero siguro hanggang ngayon hindi ko pa kaya. sa darating na pasukan nasa ikaapat na taon na ako sa kasalukuyang unibersidad. aaminin kong malayo ang nakagisnan kong "environment" nung first year college sa ngayon. naiisip ko nga na sana ginalingan ko pa para sa prestihiyosong university ako nag-aaral ngayon. pero bahala na.
nainvolve ako sa sport NOON - at ito ay ang taekwondo. nakitaan ko yun ng interes at unti unti ko hinasa ang sarili ko. ang sarap sa pakiramdam nung mga panahon na natamasa ko yun. unang torneyo ko nun sa international school invitational. pigil ang iyak ko nun dahil talunan ako. alam kong hindi lang ako naghinayang pati na ang ina ko. hindi man nya sabihin pero alam ko na sasabihin nyang kaya mo naman yun mahina lang kalaban mo. ang unang medalya kong nakuha non ay silver. ang saya ko nun dahil sa pagkakataon na yun ay may nakuha naman ako na maipagmamalaki ko. pakiramdam ko nun hindi masaya kasi alam ko naman na may mas mag-eexpect pa e. laging ganun ang pakiramdam hindi ko man tuluyang aminin o hindi ako aware pero ganun yun.
naiinggit ako sa ibang tao. lalu na kapag kailangan ng mga family picture at may mga meeting noon sa school. ala naman akong maipapadala dahil busy ang ina ko sa paghahanapbuhay. proxy kumbaga ang meron ako. pumupunta man ay minsan lang.
wala akong bestfriend. kaunti lang na kaibigan o kaya e wala na talaga. madalas akong mapagisa sa eskuwela hanggang ngayon. sanay na ako dun walang kaso. madalas akong kuchain ng mga kaklase ko simula gradeschool hanggang ngayon. kahit ba na 6 na ang napasukan kong eskuwelahan. ewan ko dahil siguro na mahina ako at walang umiintindi sa akin.
palagi ako napapagalitan sa bahay. at dahil nga sa tamad ako araw araw ay nagsisisgawan at nagsasagutan sa bahay. dinig sa buong lugar. wala naman nakakaintindi sa akin eh. kaya iiyak ko na lang.
pagod na akong umintindi sa iba ang makisama parang tipong pa-goodshot ka para ma-accept ka para masabing you belong. alam ko na sa bawat tao ngayon e kanya kanya. ayoko na magtiwala. dahil ilalaglag ka din naman.
nasasabihan akong walang kwenta, walang silbi, walng binatbat. isang malas na anak! ok i can live with that. pero bumibigay din ako sa mga salitang binibitawan na yun lalu na't isisigaw sa mukha ko. mas nanaisin ko pang bugbog at torture ang abutin ko. alam mo yung pagsabihan ka na nanggaling mismo sa ina at mga kamag-anak mo. naisip ko tama nga siguro ang isang taong nagtanong sa akin minsan na ikwento ko ang tungkol sa pamilya ko.. -- isa nga akong pagkakamali sa mundong ito. hindi ko man masuportahan ang bagay na toh. ang tanga ko kasi eh.. hindi ako magtanong. o siguro kasi AYOKO MALAMAN ANG KATOTOHANAN......
gusto ko lumayo!! basta malayo sa nakakakilala sa akin. dahil yun din naman ang patutunguhan eh. o mas maganda ay mamatay na ko. alam kong sa impyerno ang patutunguhan ko. masusunog at mabubulok ang kaluluwa ko.
gago na kung gago, bobo kung bobo. hindi toh paawa sa sarili ko. at hindi ko rin naman ineexpect na makikkiramay ka paki mo nga naman sa mga sinabi ko. pero sa mga taong nakakaranas ng ganito. wala akong maibibigay na payo.
mabuhay lang, wag nang mag-ingat para madali na ang HINIHINTAY NA KAMATAYAN!
Currently feeling: depressed